Sun, 21 Oct 2018
65
Virginia Beach

LUNGSOD QUEZON, Agosto 9, (PIA) - Umapela si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Virginia Orogo sa publiko na huminahon at isaalang-alang ang kapakanan ng mga batang biktima ng pang-aabuso o kapabayaan.

Ang apela ay kaugnay ng iba't ibang insidente hinggil sa mga batang biktima ng pang-aabuso o kapabayaan na lumalabas sa iba't ibang larangan ng media, lalo na sa social media na nakikita ang kanilang mukha.

Paliwanag ni Orogo, mayroong sinusunod na alituntunin o protocol para sa paghawak ng kaso ng mga batang naabuso at napapabayaan. Ito ay nakasaad sa Protocol for Case Management of Child Victims of Abuse, Neglect, and Exploitation na binuo ng Committee on the Special Protection of Children na pinangunahan ng Department of Justice.

Mariing nakasaadsa nasabing protocolna sa paghahawak at pamamahala ng kaso ng mga batang nangangailangan ng espesyal na proteksiyon, pangunahing pahalagahan ang confidentiality o pagkakilanlan ng bata.

"Sa anumang kaso o insidente na may batang dawit, ang pinakamabuting interes ng bata ang dapat mangibabaw. Lahat ng gawain ay dapat kung ano ang nakasaad sa batas lamang. Kasama rito ang mga nilalagay at ibinabahagi sa social media," paliwanag ni Orogo.

Upang matuldukan ang mga pangyayaring ito, ipinag-utos si Orogo ang muling pagpapakalat ng Administrative Order No.07 series of 2015 o ng DSWD Child Protection Policy in the Workplace sa lahat ng sangay at tanggapan ng departamento kasama na ang mga field office nito.

Layunin ng nasabing Administrative Order na paalalahanan ang mga opisyales at empleyado na huwag ikukumpromiso ang pagkakilanlan ng bata sa lahat ng oras kahit pa may kautusan ng transparency.

"Iba ang paghawak ng kaso ng bata dahil kailangan ang mabuting pagpapasiya kung saan laging isinasaalang-alang ang kapakanan at pag-unlad ng bata," dagdag ni Orogo.

Nanawagan din ang opisyal sa publiko, kung sakaling may makaharap na sitwasyon na may batang sangkot ay diretsong makipag-ugnayan sa tamang awtoridad o sa pinakamalapit na tanggapan ng DSWD.

Sinabi niyang hindi ang paglalagay sa kani-kaniyang mga social media account ang unang opsyon sa pagrereport ng kaso tungkol sa bata dahil baka lalong mapariwara ito.

"Alam ng DSWD na maganda ang inyong intensyon sa paglalagay ng insidente sa social media, subalit iwasan po ninyo ito at ireport na lamang sa social media account ng DSWD sa pamamagitan ng derechong mensahe sa @dswdserves sa Facebook at Twitter," aniya. (PIA-NCR)

Sign up for The Virginia Beach News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!